Tuesday, January 10, 2012

SIGNS

Hi sweeties! I am sharing with you a part of an article/note i read in Fb posted by a certain Akoposijayson under his notes entitled "Pahingi ng Sign" This made me smile and wonder at the same time. Well, i'm a sign-freak. hahaha! This is worth your time sweeties. Read it!

Credits to the writer. I may not know you really but thank you for sharing this publicly.




Tanong. Epektibo ba ang mga Signs? O may sablay din sila?

Heto ang ilang Do’s and Don’ts sa paghingi ng SIGNS.

1. Magtakda ng “specific” na sign. Wag lang basta “Please, give me a sign”. Malabo kasi yun. Sa loob ng isang araw, ilang pangyayari ang pwede mong ituring na sign? Andami diba? Alin sa kanila? Halimbawa, humingi ka ng sign kung dapat mo na bang iwanan ang boyfriend mong kupal. Pagising mo, tumugtog sa radyo ang theme song nyong “Baby” ni Justine Bieber. Uy. Sign yun na dapat paring manatili sa relasyon. Pero maya maya, pagbukas mo ng TV, hiwalayan at umaatikabong iyakan ang eksenang inabutan mo. Naku, sign yun na dapat ka nang umi-split. Nakakalito diba?

2. Wag gamiting sign ang mga pangyayari na siguradong magaganap, tulad ng pagsikat ng araw kinabukasan o pagdaan ng isang pulang sasakyan sa EDSA. Halimbawa: “May pagtingin din siya sakin kapag gawa sa patatas ang o-orderin kong french fries sa Jollibee”.

3. On the other hand, wag ding gamitin bilang sign ang mga events na napaka-imposible o sobrang bihira mangyari, gaya ng pag-aalign ng mga planeta sa solar system o biglaang paglutang ng lost city of Atlantis. Halimbawa: “Dapat ko nang sagutin si Jograd kung may makita akong ulap na ka-hugis ng painting na Last Supper, mamayang 3:24 ng hapon”.

4. Wag gawing sign ang isang pangyayari na ikasasama o may negatibong epekto sa ibang tao. Halimbawa, “Ako ang mapo-promote bilang official taga-stapler, kapag aksidenteng nabanlian ng kumukulong kape sa mukha si Jhunjhun, mula sa vending machine”. Mali naman yun kahit sabihin mong ikaw lang ang nakakaalam o ito’y kathang isip. Pero kung gagawin mo parin, tubuan ka sana ng 2 malusog at mapulang sungay sa noo.

5. Magtakda ng petsa kung hanggang kailan hihintayin ang sign. Para hindi ka mag-mukhang sayote sa kaka-abang. Alangan namang 60 years old kana, tapos may mga apo na ang balak mong ligawan, pero nag-aantay ka parin ng sign kung dapat mo ba siyang yayain makipag-date sa Mall of Asia.

Sign. Tropa nila Destiny, Fate at “Meant-To-Be”. Mabentang tema sa mga pelikula at TV shows pagdating sa pag-ibig. Masarap nga naman isipin na kahit anong mangyari, merong nilalang na talagang nag-eexist para sayo. At bahala na si SIGNS na ituro sayo ang daan papunta sa kanya.

Walang masama doon. Pagpapakita ito ng submission sa isang higher being. Faith (Funny how Faith and Fate go hand in hand). Isang paraan ng pagsasabing, alam mong may mabuti siyang plano para saiyo at inaantay mo lang na i-guide ka niya.

Pero teka, paano kung ayon sa  SIGNS e “Huwag mo siyang ligawan” o “Itago mo nalang ang nararamdaman mo para sa kanya”? Kontento ka naba doon? Hindi ba’t parang mas fulfilling kung sumubok at mabigo (kung saan ako ay eksperto)kesa sa pinigilan mo ang sarili dahil lang hindi umayon ang hiningi mong sign?

Paano naman yung mga utak-chicharon na, harap-harapang niloloko ng kanilang mga karelasyon (pinsan daw niya yung ka-lips to lips nya sa Food Court), pero humihingi parin ng sign kung dapat na bang mag-let go? O kaya e yung mga involved sa bawal na pag-ibig at gusto pa ng aparisyon para malaman kung tama ba o kelangan na nilang tumigil?

Signs. Wag dito ibase ang mga bagay na dapat pinag-iisipang mabuti at ginugugulan ng oras bago pagdesisyunan. Wag humingi nito kung “obvious” naman ang kasagutan, kaya ka nga may utak. Wag mong hayaan na maging dahilan ito ng pagsisi, mula sa mga pagkakataong iyong pinalampas. Isa sa pinaka lecheng ending ay “regret”.

Muli. Maikli lang ang buhay. Baka maubos kakahintay ng SIGN.



No comments:

Post a Comment